Kilalanin ang Inyong Pamahalaan
For CSC Month 2023, LGU-Isabela City holds first ever ‘Open House’
September 20, 2023
Mayor Hataman Turns Over Tourist Police Assistance Hub to PNP-ICPS
September 20, 2023
Personal na inasikaso at kinausap ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga sumadya sa kanyang tanggapan, ika-18 ng Setyembre. Ito ay bilang bahagi ng programang “Open House” ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Isabela na kung saan ang sinuman ay maaaring pumasok sa 22 kagawaran ng Pamahalaang Lungsod at magtanong ng iba’t ibang mga programa at serbisyo nito. Ang aktibidad na ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 na Anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas.
Magtatagal ang nasabing Open House hanggang sa ika-20 ng Setyembre. Para sa unang araw nito, dinagsa ang Bulwagang Panlungsod ng mga indibidwal na mula sa sektor ng magsasaka, mangingisda at mga Senior Citizens. Naka-iskedyul ang pagbisita ng mga kabataan at PWDs sa susunod na araw, samantala, mga market vendors naman ang bibisita sa panghuling araw nito. Bukod sa mga sektor na nabanggit, inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng interesado na magtungo at bumisita sa Bulwagang Panlungsod.
Matatandaan na si Punong-Lungsod Turabin-Hataman ay isa sa mga naglunsad ng pambansang kilusang Mayors for Good Governance. Pinaka-una sa kanyang 9-Point Priority Agenda ay ang pagbibigay ng isang “transparent, participatory, effective and efficient government” para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Isabela. Ang mga programang gaya nito ay isa sa mga pamamaraan upang ipakita sa publiko ang pagkakaroon ng isang mabuti at maayos na pamamahala.