Ang Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (PSA), sa pangunguna ni Supervising Statistical Specialist Surna Alano ay nakipagpulong kasama si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman upang talakayin ang mga mahahalagang hakbang at plano para sa matagumpay na pagpapatupad ng sensus sa agrikultura at pangisdaan. Isa rin sa mga pangunahing agenda ang pagpapalabas ng kautusang tagapagpaganap (EO) na magtatakda ng pagtatatag ng City Census Coordinating Board.
Kasama rin sa pulong sina Statistical Specialist II Pedro Baradi Jr., Assistant Statistician Clair Ramos, PSO Clerk Risabelle Peñaflor, at Accounting Clerk Rosalino Gayagoy Jr. Bukod pa rito, naroon din ang tagapangulo ng Tanggapan ng Ugnayang Ligal na si Atty. Adzlan Imran at tagapangulo ng Tanggapan ng Pagsasaka na si Ma. Gina Alberto. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)