Ang mga kinatawan mula sa SM Store Mindpro Zamboanga, sa pangunguna ni Senior Assistant Vice President for Human Resources Julieta Manipis at Assistant Vice President for Human Resources na si Helen Grace Leonor ay nakipagpulong kay Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 31, upang makipagtalakayan ukol sa mga posibleng pagkakataon para sa kooperasyon para sa lokal na pag-unlad sa lungsod. Nakatanggap din ang pamahalaang lokal ng dalawang kahon na naglalaman ng mga notebooks bilang suporta sa mga mag-aaral sa lungsod.
Naroroon din sina Branch Manager ng SM Store Mindpro Lesley Wee, Branch Marketing Manager ng SM Store Mindpro Mary Angela Velasco, at Visual Display Officer ng SM Store Mindpro Elvin Sagun. Kasama rin sa nasabing pulong sina Atty. Adzlan Imran, tagapangulo ng Tanggapan ng Ugnayang Ligal, CTO Claudio Ramos II, at SAO Robert Arseña. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)