Mayor Dadah, Pinangunahan ang Pulong Ukol sa Pangangasiwa ng Kita ng Pamahalaang Lokal
August 31, 2023Mga Opisyales ng SM MINPRO, Nakipagpulong kay Mayor Dadah
September 1, 2023
Simula noong 2020, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ay aktibo at patuloy na nagsasagawa ng pagkakabit ng mga solar street light bilang isang mahalagang bahagi ng mga pagsisikap para sa makabuluhang pag-unlad.
Ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagbibigay ng benepisyo sa mga residente ng Lungsod ng Isabela kundi nag-aambag din sa kabuuang kagalingan ng mas malawak na komunidad habang pinaniniyak ang kaligtasan ng lahat ng mga Isabeleno. Sa ilalim ng pamumuno nito, isang kabuuang bilang na 367 na yunit ng solar street lights ang naitatayo na, at may karagdagang 501 na yunit pa na kasalukuyang isinasagawa.
Ang nasa larawan ay ang mga solar streetlights sa mga barangay ng Kumalarang, Lanote, Menzi, Cabunbata at Tabiawan. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni JM Gamao, IsaTV)
Related