Mayor Dadah, Pinangunahan ang Pulong Ukol sa Pangangasiwa ng Kita ng Pamahalaang Lokal
Kasalang Bayan 2023
August 30, 2023
Mas Malinaw ng mga Daang-Lungsod sa Isabela, mas Maliwanag na Kaunlarang Panlahat
September 1, 2023
Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay nagsagawa ng pulong ukol sa Komite ng Rebisyon ng Lokal na Batas ng Kita, Agosto 30.
Sa pagtitipon na ito, isinailalim sa malalim na pagsusuri ang Gabay sa Pagsusuri, Pag-aayos, Pagtatakda, at/o Pagsasabatas ng Makatuwirang mga Bayarin at Singil ng Pamahalaang Lokal ayon sa DILG-DOF JMC No. 2019-01.
Isa sa mga pangunahing layunin ng pagtitipon na ito ay patnubayan ang mga Lokal na Yunit ng Pamahalaan upang masiguro ang pagkakaroon ng pantay-pantay na proseso sa pagtatakda ng mga makatuwirang bayarin at singil para sa mga mamamayan ng Isabela.
Naging sentro rin ng talakayan ang mga posibleng hakbang na maaaring isagawa sa hinaharap upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng pagkamit ng sapat na kita para sa mga serbisyong ibinibigay at ang pagpapadali ng proseso ng paggawa ng negosyo, bilang tugon sa BR 11032, o mas tanyag bilang Batas sa Kaginhawahan sa Paggawa ng Negosyo at Mahusay na Serbisyong Pamahalaan (EODB EGSD) ng 2018.
Personal na dinalo ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang nasabing kaganapan kung saan kanyang pinakita ang kanyang buong suporta sa komite ng Rebisyon ng Lokal na Batas ng Kita. Nagpaabot siya ng kanyang paniniwala na ang prosesong ito ay dapat matapos sa lalong madaling panahon upang maisagawa nang mas epektibo ang mga layunin ng pag-aayos ng mga bayarin at singil. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni M. Santos, CIO)