Pamahalaang Lungsod, Buong-Supporta sa NLC ng ICEPS
August 29, 2023Pamamahalang lungsod, Nagsagawa ng Serbisyo-Publiko at Info Caravan sa Masola
August 30, 2023
Sa pamumuno ni Punong-Lungsod na si Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa tulong ng Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko, kasabay sa ikatlong anibersaryo ng Barangay Information Officers Network ng lungsod, ay nagdala ng HAPIsabela Mobile Library sa CIO-BION Information Caravan na ginanap sa Barangay Masola, ika-29 ng Agosto.
Personal na dinaluhan ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang Information Caravan kung saan siya rin ay namahagi ng mga bag at school supplies sa mga piling bata ng Barangay Masola na nataon sa unang araw ng balik-eskwela ng mga paaralang pampubliko sa buong bansa. Nagbigay rin siya ng maikling mensahe kung saan ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakibahagi sa okasyong ito. Dagdag pa niya, lagi siyang susuporta sa lahat ng mga programa, lalo na kung ito ay tiyak na makakatulong sa ikakaunlad ng Lungsod ng Isabela.
Ang BION Information Caravan ay naglalayong magdala ng serbisyong impormasyon sa mga lugar na kulang sa access at impormasyon tungo sa mahahalagang serbisyong tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at teknolohiya.
Ang paglalakbay ng HAPIsabela Mobile Library ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan, maaaring maabot ang kaalaman at edukasyon kahit saan man sa lungsod, patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni KJ Evardo, CIO)
Related