Pamamahalang lungsod, Nagsagawa ng Serbisyo-Publiko at Info Caravan sa Masola
Sa unang araw ng Balik-Eskwela, Mayor Dadah namahagi ng School Bags sa Barangay Masola
August 30, 2023
Kasalang Bayan 2023
August 30, 2023

Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pakikipagtulungan ng mga katuwang at ahensya, bilang pagdiriwang ng ikatlong anibersayo ng Barangay Information Officers Network (BION), ay nagtungo sa Barangay Masola, Agosto 29, upang magsagawa ng Information Caravan na may temang, “Serbisyong DAmang-DAHma, saan man sa Lungsod ng Isabela!”

Ang aktibidad na ito ay may layuning magdala ng serbisyong impormasyon sa nasabing barangay. Ang Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko sa pangunguna ni CIO Mendry-Ann Lim ay nagmungkahi ng isang paraan kung saan ang lahat ng mga stakeholder at ahensya sa lungsod ay magkakasama upang tugunan at magbigay ng mga serbisyong kinakailangan sa antas ng komunidad.

Personal na dinaluhan ito ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman kasama si Konsehal Karrel Sakkalahul. Ipinaabot ng alkalde ang kanyang napakalaking kasiyahan at pasasalamat para sa mga taong nasa likod ng matagumpay na kaganapan. Malugod rin niyang tinatanggap ang mahigit sa isang libong mga residente ng Barangay Masola na dumalo sa nasabing caravan.

Narito ang datos ng tulong na nahatid ng araw na iyon:

▪️207 mga kliyente ang pinagsilbihan ng CHO sa pamamagitan ng mobile clinic na may libreng medical check up at mga gamot at bitamina; 3 doktor at 1 dentista ang sumali sa caravan; 50 kliyente ang nakinabang ng serbisyong dental; 10 breastfeeding kits na ibinigay sa mga nagpapasusong ina; 30 hygiene kit na ibinigay sa mga bata

▪️50 bata na may mga backpack at school supplies mula sa CIO, BION at BFP-Isabela City Fire Station

▪️45 na bata ang nakatanggap ng tsinelas mula sa Tau Gamma Phi Triskelion de Basilan

▪️50 bote ng isopropyl alcohol ang ipinamahagi ng DXNO Radyo Komunidad

▪️100 sandwich mula sa Hideout Catering Services

▪️50 sandwich mula sa Joveth’s Isabela

▪️60 burger at inumin mula sa BCH Cable TV Network

▪️30 bata ang nabigyan ng school supplies mula sa PNP-Isabela City Police Station

▪️30 sako ng 10 kilong bigas na ipinagkaloob sa pinakamahihirap sa mahihirap

▪️6 na PWD ang makakatanggap ng 10kg na bigas; 6 na PWD ang tinulungan para sa pagpaparehistro ng ID

▪️nagbigay ang CIO sa 50 residente ng mga rechargeable transistor radio at nagbigay rin sa 50 residente ng PAHATI Publications at iba pang CIO IECs

▪️ang Tanggapan ng Pamamahalang Pampopulasyon at Pangkaunlaran ay namahagi ng 80 contraceptives

▪️nagbigay ang Tanggapan ng Pagsasaka ng 120 buto ng gulay

▪️133 residente ang nabigyan ng financial literacy training mula PESO

▪️nagbigay ang PIA ng 55 loot bag sa mga batang kasali sa programa ng HAPIsabela Mobile Library

▪️30 residente ang dumalo sa First Aid Training ng CDRRMO

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pahahalaang Lungsod ng Isabela sa lahat ng mga katuwang at ahensiyang nagtambal at nagbigay ng malaking kontribusyon sa tagumpay ng kaganapang ito. Sa inyong tulong at pagsuporta, naging matagumpay ang layuning maghatid ng makabuluhang serbisyong pangkomunidad. Ang inyong pagkakaisa at dedikasyon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga mamamayan. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni KJ Evardo, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll