Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong-Lungsod Sitti Djali Turabin-Hataman kasama ang Tanggapan ng Rehistro Sibil na pinangungunahan ni Dayang Mirhama Jaljalis ay nagdaos ng isang Kasalang Bayan, Agosto 29.
May kabuuang 19 na mag-asawa ang nagpasyang magkaisang dibdib sa seremonyang kasal na pinangunahan ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman kung saan nagbigay din siya ng maikling mensahe sa mga bagong-kasal kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aasawa at ang pagbibigay-pansin sa Diyos bilang sentro ng relasyon.
Ang kasalan ay sinaksihan nina Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul at ng Tagapangasiwa ng Lungsod na si Pedrito Eisma. Samantala, makakatanggap ang mga mag-asawa ng libreng wedding cake at cash gift na nagkakahalaga ng P4,000 mula sa Pamahalaang Lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)