Pagsasanay para sa mga BIOs, Tinutukan ng CIO
Mayor Dadah, Isa sa mga nanguna sa mga paglunsad ng “Mayors for Good Governance”
August 25, 2023
Pamahalaang Lungsod, Buong-Supporta sa NLC ng ICEPS
August 29, 2023
Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko at Philippine Information Agency Basilan Info Center ay nagsagawa ng Continuous Learning Approach and Skills Support (CLASS) para sa mga information officers ng 45 barangay ng Lungsod ng Isabela, Agosto 24.
Pinalamutian ni CIO Mendry-Ann Lim ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe kung saan kanyang malugod na tinanggap at pinasalamatan ang mga partners upang maisakatuparang ang pagsasanay para sa araw na ito tulad ni PIA Basilan Infocenter Manager Nilda Delos Reyes. Sinundan ito ng pagbibigay ng oryentasyon sa mga tungkulin ng BION sa kumunidad at iba’t-ibang mga media platforms ng lokal na pamahalaan. Tinalakay at binigyan-diin rin sa nasabing pagpupulong ang mekanismo ng pakikipag-ugnayan ng BION, CIO at ang paglalahad patungkol sa Pagsubaybay at Pag-uulat ng Sitwasyon sa panahon ng Halalan.
Samantala, si IsaTV social media manager Patranisa Lawama ang tumalakay naman sa Media Survey na sinundan ng palihan sa Basic Photography at Captioning na hinawakan ni Information Officer III Marion Guerrero. Habang ipinaliwanag naman ni Rhonaleen Natividad mula sa parehong ahensya patungkol sa paksang “How to Spot Fake News?” At para sa huling session, nagsalita naman si DXNO Radyo Komunidad News Director Matthew Sanson tungkol sa News Writing and Radio/TV Field Reporting.
Namigay ang CIO ng iba’t-ibang mga IEC materials na maaaring gamitin ng BION sa kani-kanilang mga barangay gaya ng rechargeable radio, PAHATI magazines, offfice brochures, media survey forms, at iba pa. Ang nasabing pagsasanay ng mga kasapi ng Barangay Information Officers Network sa Lungsod ng Isabela ay paghahanda at pagpapalakas ng kanilang mga kakayahan upang mas maging epektibo ang pagbibigay ng impormasyon sa kani-kanilang mga komunidad.
Sa pangkalahatan, ang layunin ng CLASS para sa mga Barangay Information Officers Network ay mapabuti ang kakayahan ng mga BIOs sa pagtanggap, pagpapahayag, at pagpapalaganap ng impormasyon na may mataas na kalidad at integridad, upang makatulong sa mas epektibong pamamahala at pagsusulong ng kaunlaran sa kanilang mga barangay. (Sulat ni K. Lim/Kuha ni KJ Evardo, CIO)