Lungsod ng Isabela, Lumahok sa MINBIZCON
City Agriculture and Fisheries Council, Naghalal ng mga bagong opisyal
August 24, 2023
KATROPA Symposium, Ginanap
August 25, 2023

Dumalo si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa idinadaos na ika-32 na Mindanao Business Conference na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, mula Agosto 23-25, sa Lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur.

Ang layunin ng pagtitipon na ito ay mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng mga negosyante, industriyalista, at mga tagapagtaguyod ng negosyo sa Mindanao. Isa rin itong pagkakataon upang magkaroon ng malalimang pag-uusap at pagpapalitan ng mga ideya hinggil sa mga kasalukuyang isyu sa larangan ng negosyo at ekonomiya sa rehiyon.

Kasama ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman sa nasabing kumperensya ang tagapangulo ng Tanggapan ng Ugnayang Ligal ng Lungsod na si Atty. Adzlan Imran, ang LEDIPO at pangulo ng PCCI-Basilan na si Jaime Juanito Rivera at Kalihim ng PCCI-Basilan Melanie Ong. Kasama rin ang mga kawani ng Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Ekonomiya at Pamumuhunan (LEDIPO) tulad nina ISU Head Irish Fonollera, Hannah Straver, Abegail Fonollera, Rynel Nismal, at Kristian Gallano; BASC John Lorenz Potestas; at mga kawani mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo gaya ni Joebert Fernandez. (Sulat ni K. Lim, CIO/Mga Larawan mula sa LEDIPO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll