KATROPA Symposium, Ginanap
Lungsod ng Isabela, Lumahok sa MINBIZCON
August 25, 2023
Mayor Dadah, Isa sa mga nanguna sa mga paglunsad ng “Mayors for Good Governance”
August 25, 2023
Ang Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Populasyon na pinamumunuan ni Tagapangulo Jesielyn Puno ay nagsagawa ng Katropa Symposium na may temang “Usap Tayo sa Family Planning para protektado ang Pamilyang Pilipino,” na nilahukan ng nasa 38 na kalalakihan mula sa iba’t ibang organisasyon sa lungsod, Agosto 24.
Ang Information Officer na si Tony Tumalon ay nagbigay ng maikling paliwanag ng programa at sinundan ni AVEO Charlamagne Camacho na nagtalakay tungkol sa Katropa, partikular sa mga kalalakihang tapat sa kanilang responsibilidad at obligasyon sa pamilya.
Samantala, pagkatapos ng pagbabahagi ni Eleanor Jareño ng kanyang kaalaman ukol sa pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya at ng tamang paggamit ng contraceptives, ibinahagi naman ni Tumalon ang kanyang mga perspektibo ukol sa paksa ng Karahasan Laban sa Kababaihan at mga Bata, o kilala rin bilang BR 9262. Ang mga kalahok ay nakatanggap ng mga token at sertipiko pati na rin ng mga contraceptives at food packs. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)