Programa Kontra Teenage Pregnancy, Palalakasin Katuwang ang ZFF
Pulong ng RGADC IX, Ginanap sa Lungsod ng Isabela
August 24, 2023
Grupong Pangresponde sa Sakuna, Inilunsad
August 24, 2023
Ang mga technical-leads ng Zuellig Family Foundation (ZFF) sa Lungsod ng Isabela na sina Shiela Guigan kasama si Abegale Escolano ay nakipagpulong kay Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman upang talakayin ang adbokasiya ng paggamit ng makabagong contraceptives upang mabawasan ang mga pagbubuntis ng mga teenager, Agosto 22, sa Bulwagang Panlungsod.
Ang nasabing pag-uusap ay naglalayong tugunan ang pangangailangan sa reproductive health ng mga kabataan at mga kababaihan sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng teknikal na tulong, pag-aaral, at pagbabahagi ng mga toolkit upang matulungan ang pagpapaunlad ng mga programa ng kalusugang sekswal at reproduktibo ng kanilang katuwang na lungsod.
Dumalo sa pulong sina Dr. Mohrein Ismael VI, ang Tagapangulo ng Tanggapan ng Kalusugan ng Lungsod, kasama si HEPO Bernardita Hontucan at ang mga kawani mula sa Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Populasyon ng Lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)