DSWD IX, Inilahad ang mga Program para sa Lungsod ng Isabela
DMW, Nagbigay ng Isang Milyong Piso para sa Proyekto Pang-OFW
August 24, 2023
Pulong ng RGADC IX, Ginanap sa Lungsod ng Isabela
August 24, 2023
Iniulat ni Namamahalang Direktor Riduan Hadjimuddin ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) IX ang datos ukol sa mga serbisyo at programang panlipunan na nakalaan para sa Lungsod ng Isabela.
Ginawa ito sa isang Budget Briefing, Agosto 18, na ipinatawag ng Kinatawan ng Tanging Distrito ng Basilan at Katuwang na Pinuno ng Minorya Mujiv Hataman upang masiyasat ang nakalaang badyet ng naturang ahensya sa pagtugon sa pangangailangan ng Lungsod ng Isabela. Ilan sa mga tinalakay rito ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, social pension, sustainable livelihood program, at ang programang Technical Assistance and Resource Augmentation (TARA) ng DSWD para sa mga pamahalaang lokal.
Naroon din sa pagpupulong ang iba pang mga opisyales ng DSWD IX at mga piling kawani ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ng Lungsod ng Isabela (CSWDO) sa pangunguna ni SWO Jean Mariano at SAO Robert Arseña na kumatawan kay CSWDO Nor-Aina Asmara. (Detalye ni R. Estrada, CSWDO/Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo, CIO)