Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pagsasaka ay nagsagawa ng Oryentasyon at Eleksyon ng Konseho sa Pagsasaka at Pangingisda ng Lungsod (CAFC) sa Sangguniang Panlungsod Session Hall, Agosto 23.
Bilang kinatawan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ibinahagi ni Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo, partikular na sa mga nag-organisa ng okasyong ito. Samantala, inilahad naman ng Tagapangulo ng Tanggapan ng Pagsasaka na si Ma. Gina Alberto ang mga mahahalagang puntos at adyenda para sa nasabing pagtitipon na sinundan ni CAF DMO II Angelica Grace Carpio upang ilahad ang mga layunin at responsibilidad ng Konseho sa Pagsasaka at Pangingisda sa Lungsod, pati na rin ang mga binagong mga alituntunin ng PCAF para sa mga Organisasyon ng Pakikilahok sa 2023.
Ang Konseho sa Pagsasaka at Pangingisda sa Lungsod ay isang samahan na naglalayong maging boses ng mga magsasaka at mangingisda sa pagtutulak ng mga programa at proyekto para sa kanilang sektor.
Nagkaroon din ng isang bukas na talakayan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na magtanong at magbahagi ng kanilang mga ideya at mga inisyatibo para sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa Lungsod ng Isabela.
Narito ang listahan ng mga bagong halal na opisyal ng Konseho sa Pagsasaka at Pangingisda ng Lungsod:
Tagapangulo: Efren Mon
Pangalawang Tagapangulo: Clemente Lazaro
Kalihim: Janice Delos Santos
Ingat-Yaman: Aquino Kalbi
Internal na Tagasuri: Karel Jerios
Komiteng Sektoral:
Pangingisda at Akwakultura: Abraham Sahidjan
Manok at Pag-aalaga ng Hayop: UWARBMPC
Mga Kabataan: Rod Janry Ledda
Palay at Mais: Softiano Edim
HVC (Goma, Niyog, at Kape): LARBENCO
Prutas at Gulay: Roel Molejon (EPAIP)
Mga Kababaihan: Argentina Talaver
Mga IPs: Haslim Sabturni
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga tagapangulo at kinatawan ng BAFC, iba’t ibang organisasyon at mga sektor na may kaugnayan sa agrikultura at pangigisda sa Lungsod ng Isabela. Kasama rin sa mga dumalo ng nasabing aktibidad ang mga kinatawan na sina Arcele Templa, Grace Alipio, Johaina Dimaporo at Jesza Gayongan mula DA Regional Agriculture and Fisheries Council IX, at mula sa PCAF naman ay sina Jaira Maali, Jesza Gayongan, at Lourraine Mae Constantino.
Sa pagtatapos ng oryentasyon at halalan ng CAFC, ang mga miyembro ay puno ng pag-asa para sa kinabukasan ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa Lungsod ng Isabela. Sa sama-samang pagsusumikap at kooperasyon, tiyak na magiging mas matagumpay ang kanilang mga adhikain para sa kanilang komunidad. (Sulat ni K. Lim/Kuha ni KJ Evardo, CIO)