DSWD IX, Inilahad ang mga Program para sa Lungsod ng Isabela
August 24, 2023Programa Kontra Teenage Pregnancy, Palalakasin Katuwang ang ZFF
August 24, 2023
Malugod na tinanggap ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman —kaisa-isang babaeng alkalde ng isang lungsod sa buong Rehiyon IX —sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD Unit) nito sa pamumuno ng CIO at kasabay na GAD Focal Mendry-Ann Lim ang mga miyembro at panauhin ng Pangrehiyonal na Komite sa Kasarian at Kaunlaran (RGADC IX) sa kanilang Ika-3 Kwarter na Pagpupulong, Agosto 18.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pansin ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang kahalagahan ng gender mainstreaming bilang isang katuwang na mekanismo tungo sa pagsasakatuparan ng pagkakapantay-pantay at ibinahagi ang pinakamahusay na Gender and Development (GAD) na mga hakbangin ng lungsod. Ipinagmamalaki rin niya ang Lungsod ng Isabela bilang ang unang pamahalaang lokal sa rehiyon na nagkaroon ng bersyon ng BR 11313 o ang Safe Spaces Act.
Samantala, inilahad ng mga eksperto mula sa Komisyon sa Kababaihan ng Pilipinas (PCW) ang Partnership Agreement Assessment sa pagitan nito at ng RGADC IX at ng Ulat ukol sa GAD Leveling Session.
Kabilang sa iba pang nag-ulat ay ang Kagawaran-Sentro ng Kaunlarang Pangkalusugan (DOH-CHD) IX. Ayon sa ipinakitang datos ng ahensya, ang Lungsod ng Isabela ang natatanging pamahalaang lokal sa rehiyon na walang naitalang kaso ng maternal mortality o pagkamatay ng babae sanhi ng panganganak sa dalawang magkasunod na taon. Ayon naman sa Tanggapang Rehiyonal ng Pambansang Kapulisan ng Pilipinas (PRO IX), ang lungsod ang may pinakamababang naitalang kaso ng panggagahasa sa buong rehiyon sa parehong unang semestre ng 2021 at 2022 at lahat ng mga naiulat na paglabag sa karapatan ng mga kababaihan sa lungsod ay nasampahan ng kaukulang mga kaso.
Ang mga hakbangin tungo gender mainstreaming ng kanilang mga institusyon ay ipinakita rin ng Basilan State College at Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST) ayon sa pagkakabanggit. Nagbigay din ng ulat ang Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (PSA) IX patungkol sa resulta ng 2022 National Demographic and Health Survey Results (Gender Statistics).
Ang pulong ay pinangunahan ni Raymond Domingo, tagapangulo ng RGADC IX at pinuno ng Pambansang Komisyon sa Kabataan (NYC) IX. Kabilang sa mga dumalo sina Namamahalang Direktor ng DOT IX Dara May Cataluña, CEDS ng NEDA IX at Kalihim ng RGADC IX Eleanor Reyes, at ang tagapangulo ng Komite sa Kasarian at Kaunlaran ng Sangguniang Panlungsod ng Isabela na si Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul at mga kinatawan ng iba’t ibang pamahalaang lokal, institusyong pang-akademiko at iba pang ahensya ng pamahalaag pambansa. (Sulat ni J. Climaco, GAD/ Kuha ni M. Santos, CIO)
Related