Pambansang Kurso at Accreditation para sa mga Referees ng Volleyball, Isinagawa
August 23, 2023DMW, Nagbigay ng Isang Milyong Piso para sa Proyekto Pang-OFW
August 24, 2023
Nakiisa si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa ginawang taunang Pulong-Pagpaplano ng Peace and Order and Public Safety Plan-Local Anti-Drug Plan of Action Technical Working Group (POPS-LADPA TWG) ng Lungsod ng Isabela, Agosto 22-24.
Sa gabay ng Sanggunian para sa Kapayapaan at Kaayusan ng Lungsod (CPOC) sa pasimuno ni Kawaksing Tagapangulo at Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma at Kalihim Rix La Guardia, layunin ng nasabing pulong-pagpapalano ang mangalap ng data sa mga nagawa ng mga alagad ng batas sa kanilang mga proyekto, programa at aktibidad na pinondohan sa ilalim ng POPS Plan na ia-upload sa Peace and Order and Public Safety Plan Policy Compliance Monitoring System (POPS-PCMS); pasariwain ang pagpapatupad ng mga tagapagpatupad ng batas gaya ng nakasaad sa POPS Plan at iba pang mga plano para sa 2024.
Hinimok naman ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang mga kalahok na pakaisipin ang kapakanan ng mga Isabeleño sa kanilang pagpaplano, lalo na sa aspeto ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga pamayanan ng Lungsod ng Isabela.
Ilan sa mga dumalo sa nasabing aktibidad si Konsehal Abner Rodriguez, CPDC Engr. Gay Palagtiosa, mga kinatawan ng sektor panseguridad gaya ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ang Hepe ng Himpilan ng Pulisya sa Lungsod ng Isabela na si PLTCOL Parson Asadil, at ang Himpilan ng Bumbero sa Lungsod sa pamumuno ni City Fire Marshall SINSP Wilhelm Anthony Albrecht. (Detalye mula kay R. La Guardia, CPOC/Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO)
Related