OPAPRU at MSU-SULU, Nakipagpulong kay Mayor Dadah para sa MNLF Transformation Program
Award-winning na manunulat pampelikula, Tampok sa Film Workshop ngayong Linggo ng Kabataan
August 17, 2023
CHO, Sanitary Inspections, Nagpulong para sa target ZOD
August 17, 2023
Binisita ng mga kinatawan ng Tanggapan ng Pampanguluhang Tagapayo sa Prosesong Pangkapayapaan (OPAPRU) sa pangunguna ng pinuno ng MNLF Transformation Program na si Maria Magdalena Barrios at ng Pamantasan ng Mindanao-Sulu (MSU-Sulu) si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 16.
Napag-usapan ng dalawang panig ang mga inisyatibong pangkapayapaan ng nasabing ahensay partikular sa aspeto ng MNLF Transformation Program. Layunin ng nasabing programa mapadali ang paglipat ng mga miyembro ng MNLF, lalo na ang mga hindi isinama sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) at Pamabansang Kapulisan ng Pilipinas (PNP) sa ilalim ng 1996 na Panghuling Kasunduan sa Kapayapaan (FPA) sa pagitan ng pamahalaan at ng MNLF, gayundin ang kanilang mga pamilya sa buhay ng isang mapayapa at produktibong sibilyan.
Hiniling din ng OPAPRU at ng MSU-Sulu ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa gagawing pagtatasa ng komunidad at mga konsultasyon sa mga pamilya at komunidad ng MNLF para sa pagtukoy ng mga hakbangin sa pagpapaunlad; tumulong sa mga komunidad ng MNLF sa paggawa ng mga panukala sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga proyektong sosyo-ekonomiko ng komunidad sa 25 priyoridad na komunidad ng MNLF sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat at sa Lungsod ng Cotabato.
Kasama sa pagpupulong sina Bensaudi Sawabi, Fatima Ahiyal, Ferdauzi Tautoh mula OPAPRU at mga guro mula MSU-Sulu na sina Rashmie Estino, Abdullah Mohammad, Attamir Alamudin, at Mahmoudar Hassan. (Detalye mula OPAPRU/Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO)