CHO, Sanitary Inspections, Nagpulong para sa target ZOD
OPAPRU at MSU-SULU, Nakipagpulong kay Mayor Dadah para sa MNLF Transformation Program
August 17, 2023
Pambansang Kurso at Accreditation para sa mga Referees ng Volleyball, Isinagawa
August 23, 2023

Nagkaroon ng maikling pagpupulong ang mga sanitary inspectors at ilang kawani ng Tanggapan ng Kalusugan (CHO), Agosto 16, kasama si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at Konsehal Karel Anjaiza Sakkalahul.

Tinalakay nila ang target na Zero Open Defecation (ZOD) o lantad na pagdudumi sa mga barangay ng Lungsod ng Isabela alinsunod sa programang Philippine Approach to Total Sanitation (PhATS) ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na naglalayong mahirang ang mga lokal na pamahalaan bilang ZOD-certified.

Ang Zero Open Defecation status ay kapag tinalikuran na ng mga sambahayan ang pagsasagawa ng lantad na pagdumi at gumagamit ng alinman sa kanilang sarili o mga palikuran ng iba. Bilang resulta, walang dumi ng tao ang lantad at nagiging sanhi ng diarrhea at impeksyon ng bulate na nagdudulot ng pagkabansot at malnutrisyon sa mga bata. (Detalye mula UNICEF/Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO)

#HAPIsabela

#HappyAndDignifiedLifeForAll