Award-winning na manunulat pampelikula, Tampok sa Film Workshop ngayong Linggo ng Kabataan
Dating Star Player ng Ateneo Lady Eagles na di Gretchen Ho, Nagsagawa ng Volleyball Clinic
August 16, 2023
OPAPRU at MSU-SULU, Nakipagpulong kay Mayor Dadah para sa MNLF Transformation Program
August 17, 2023
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Lokal na Kalinangang Pangkabataan (LYDO) at Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko (CIO) at sa pakikipagtulungan ni Bokal Ahmed Ibn Djaliv Hataman ay nagdaos ng “The Essentials of Film Writing Workshop”, Agosto 16.
Tatlumpung kabataan ang napiling maging kalahok sa nasabing palihan sa gabay ng manunulat pampelikula na si Lilit Reyes. Bilang suporta ay dumalo rin sa nasabing aktibidad sina CIO Mendry-Ann Lim at LYDO Levinia Jerejolne.
Si Lilit Reyes ay nanalo ng unang gantimpala sa Gawad Palanca Award para sa kaniyang screenplay na “Hubog Ng Langit”, Quezon City Film Fest Best Screenplay at nominado sa Gawad Urian para sa “Water Lemon.” Hinirang din siyang PMPC Star Award Indie Movie Scriptwriter of the Year, at FAMAS Best Adapted Screenplay para sa “Changing Partners,” at kilala rin sa pagsulat ng hit series at pelikulang “Singles/Singles”.. Gumaganap din siya para sa mga pelikula, at para sa mga palabas sa teatro at improv comedy. Katuwang niyang ginawa ang “Halaw” na nanalo sa Cinemalaya Best Picture, at tumulong sa pagsulong ng mga adbokasiya ng Anak Mindanao (AMIN) Partylist. Ang pinakahuling screenplay niya ngayon ay ginagawang pelikula, ang “I AM NOT BIG BIRD” kasama si Enrique Gil bilang lead actor.
Samantala, hinimok naman ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga kalahok na gamitin ang kanilang angking galing at talento upang ilahad at ibahagi ang kwento at pagkakakilanlan ng Lungsod ng Isabela sa buong mundo. (Detalye mula LYDO/Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO).