Supplemental Feeding Program para sa 50 Buntis inilunsad sa Barangay Tabuk
Pamahalaang Lungsod, Namahagi ng Cash Grants sa piling mag-aaral ng Claret
August 15, 2023
Pamahalaang Lungsod, Nakiisa sa ‘Project Pagbabago: A Million Trees’ ng OVP
August 15, 2023
Dinaluhan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang paglulunsad ng supplementary feeding program para sa mga nutritionally at-risk na mga buntis, na inorganisa ng Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Populasyon ng Lungsod na pinamumunuan ng tagapangulo ng kagawaran Jesielyn Puno, ika-12 ng Agosto sa Barangay Tabuk Multipurpose Hall.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng nasa 50 na buntis na kababaihan mula sa naturang barangay. Sa ilalim ng programang ito, sila ay bibigyan ng karagdagang o ekstrang pagkain na maglalayong mapabuti ang kanilang kalusugan at kalagayan sa panahon ng kanilang pagbubuntis. Ang pagkakaloob ng karagdagang pagkain ay magaganap sa loob ng 90 na araw na kalendaryo mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang kanyang pagsusumikap na bigyang-diin ang responsibilidad ng pamahalaang lokal at ng mga ina na tiyakin ang maayos na kalusugan ng mga bata at mapanatili silang malayo sa mga sakit habang ito ay nasa sinapupunan pa. “Ginagawa natin ito hindi lamang para sa inyo kundi lalo na para sa inyong mga anak, upang sa hinaharap, ang mga susunod na henerasyon ng mga taga-Isabeleño ay maging malusog, produktibo, hindi madaling magkasakit, may matibay na resistensya, at kayang tuparin ang kanilang mga pangarap,” wika ng alkalde.
Dumalo rin sa okasyon si Tabuk Punong-Barangay Julkipli Jahandal at iba pang kawani ng barangay, kawani mula sa Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Populasyon ng Lungsod at BNS. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)