Pamahalaang Lungsod, Nakiisa sa ‘Project Pagbabago: A Million Trees’ ng OVP
August 15, 2023Dating Star Player ng Ateneo Lady Eagles na di Gretchen Ho, Nagsagawa ng Volleyball Clinic
August 16, 2023
Sa ilalim ng pamumuno ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela katuwang ang Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Ekonomiya at Pamumuhunan (LEDIPO) na pinamumunuan ni Hepe Jaime Juanito Rivera, ay nakatanggap ng plant at learning kits para sa mga magsasaka at paaralan sa Lungsod ng Isabela mula sa Smart-PLDT, Agosto 14 sa Smart-PLDT Zamboanga.
Kasama sa mga kits na ito ang mga e-learning modules na may kasamang SIM Card, pati na rin ang mga Wi-Fi modem.
Ipinahayag ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang kasiyahan sa paunti-unting pagkilala na tinatamasa ng lungsod at ibinahagi na ang mga natanggap na tulong ay isang mahalagang prayoridad ng lokal na pamahalaan, partikular sa mga sektor ng edukasyon, internet connectivity, at agrikultura. Binahagi rin niya ang kanyang pag-asa na magkakaroon ng mas malalim at mas matibay na Ugnayang ang Pamahalaang Lungsod sa Smart-PLDT. (Sulat ni SJ Asakil, CIO / Kuha ni L. Esturco, PESO)
Related