Pamahalaang Lungsod, Namahagi ng Cash Grants sa piling mag-aaral ng Claret
Mayor Dadah pinangunahan ang Pampinid na Palatuntunan ng Lungsod para sa Pambansang Buwan ng Nutrisyon
August 14, 2023
Supplemental Feeding Program para sa 50 Buntis inilunsad sa Barangay Tabuk
August 15, 2023
Sa ika-11 ng Agosto, si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, kasama ang Tagapangulo ng Tanggapan ng Ugnayan Para sa May Kapansanan na pinamumunuan ni Gemma Casas-Paculio, ay namahagi ng cash grants sa piling mga mag-aaral ng Claret College ng Isabela.
Dinaluhan ito ng nasa 23 na mag-aaral na tumanggap ng P10,000 bawat isa. Samantala, ipinaabot ni Punong Lungsod Turabin-Hataman ang mainit na imbitasyon sa mga kabataan na makiisa at makilahok sa mga iba’t ibang aktibidad na isinasagawa ng lungsod para sa kabataan. Kasama rin sa dumalo si Conem Pagute, guro mula sa ICT Department ng CCI. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)