Pamahalaang Lungsod, Nakiisa sa ‘Project Pagbabago: A Million Trees’ ng OVP
Supplemental Feeding Program para sa 50 Buntis inilunsad sa Barangay Tabuk
August 15, 2023
SMART-PLDT, Nagbigay ng mga IT Kits sa pamamahalang lungsod
August 15, 2023
Sa pasimuno ng mga kawani ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO) at Tanggapan para sa Lokal na Kalinangang Pangkabataan (LYDO) at mga volunteers na miyembro ng Youth Space Mentoring, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, Agosto 13, sa “Project PagbaBAGo: A Million Learners and Trees” ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas (OVP) Mindanao – Zamboanga Satellite Office sa pamamagitan ng pagtatanim ng bakawan sa Barangay Tabiawan.
Sinamahan din ang grupo ng mga opisyales mula sa 19th Special Forces Company, 4th SF Battalion ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Kinatawanan naman ni SAO Robert Arseña si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa nasabing aktibidad.
Layunin ng naturang proyekto ang maging katuwang ng National Greening Program ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (DENR). (Kuha ni KJ Evardo, CIO)