Mga nanalo sa iba’t ibang pakulo ng ISATV at DXNO, tinanggap ang premyong Bigas
Gamit Pang-eskwela para sa mga batang Sama Banguingi
August 10, 2023
Taunang pagpapalakas-kapasidad ng mga BADAC, Isinagawa
August 11, 2023

Mismong si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang nag-abot ng papremyong bigas, Agosto 10, para sa mga tagapakinig, nakilahok at nanalo sa pagsagot ng trivia ng LGU Hour, HAPInformation sa Barangay, Balitang HAPIsabela TeleRadyo, Usapang Babae at DAH Cooking Show na bahagi ng mga programa ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon (CIO).

Namahagi ng tig-sasampung kilo ng bigas ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa mga nanalo bilang kanilang papremyo. Sa bawat programa at patimpalak, patuloy na namumuhay ang misyon ng City Information Office kasama ang DXNO-Radyo Kumunidad at IsaTV Channel na magbigay impormasyon, aliwan, at edukasyon sa kanilang mga tagapakinig.

Naroon para samahan si Punong-Lungsod Turabin-Hataman sina CIO Mendry-Ann Lim, tagapangasiwa ng IsaTV Channel na si Shermina Sualing at DXNO-Radyo Komunidad news director Matthew Sanson.

Para sa mga gustong makilahok at manalo sa susunod na mga trivia, makinig sa DXNO-Radyo Kumunidad at manood ng mga programa sa IsaTV Channel. (Sulat ni K. Lim/Kuha ni M. Santos, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll