Mga bunga ng Taguima Youth Congress, inilahad
CPDAO namahagi ng Assistive Devices as mga PWDs ng lungsod
August 9, 2023
Gamit Pang-eskwela para sa mga batang Sama Banguingi
August 10, 2023
Sa ika-44 Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, Agosto 9, na pinangunahan ni Bise Gobernador Yusop Alano kasama si Pangunahing Lider ng Mayorya Atty. Jimael Salliman, iniulat ni Bokal Ahmed Ibn Djaliv Turabin-Hataman ang mga resulta sa naganap na tatlong araw na Taguima Youth Congress.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Bokal Hataman na higit sa 100 na kabataan ang dumalo at nasa 77 organisasyon ang nakilahok sa Taguima Youth Congress na ginanap noong Agosto 5-7 na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Basilan at nagtipon sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Basilan (BNHS).
Kaniya ring ibinahagi ang layunin ng pagtitipon na naglalayong makilala ang mga pinakamahahalagang isyu na kinakaharap ng mga komunidad, sa buong lalawigan, at magbuo ng potensyal na mga solusyon sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga pinagsasamang karanasan. Binati rin niya ang mga batang lider, na bumubuo ng Taguima Youth Congress, na sa kanilang sariling paraan ay nagpasyang magtrabaho at mag-ambag sa pagpapabuti ng komunidad sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan at pagtatayo ng pundasyon para sa kinabukasan ng Basilan.
Ang ibinihaging Layunin sa Pag-unlad ng Kabataan ng Basilan o Basilan Youth Development Goals ay inuri sa mga kategorya gaya ng kalikasan, edukasyon, kalusugan, pagiging aktibong mamamayan, at kapayapaan at seguridad. Ang mga resulta ay bunga ng mga iba’t ibang adbokasiya ng mga delegeyt, na kinapalooban ng limang prayoridad na isyu na kinilala ng mga komite na binubuo ng mga organisasyon na eksklusibong nakatuon sa mga adbokasiyang ito. Bukod dito, itinukoy rin ng komite ang mga pinakamahusay na potensyal na solusyon. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)