CHO, NCIP, Nagdayalogo para Pag-ibayuhin ang Serbisyong Pangkalusugan sa mga IPs
Mayor Dadah at Ayala Foundation, nakipagpulong para sa kabataan ng Isabela
August 7, 2023
CPDAO namahagi ng Assistive Devices as mga PWDs ng lungsod
August 9, 2023

Ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kalusugan sa pamumuno ni CHO Dr. Mohrein Ismael VI ay nagsagawa ng pagpulong kasama ang mga kinatawan ng mga katutubong mamamayan at Pambansang Komisyon para sa Katutubong Mamamayan (NCIP), Agosto 7,

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga programa at proyekto para sa kalusugan, pati na rin ang mga hakbang na isinasagawa ng CHO upang masiguro ang kalusugan at kahandaan sa mga emerhensiyang pangkalusugan. Isa sa mga mahalagang aspeto ng pag-uusap ay ang mga kalakal na ililipat sa lokal na pamahalaan sa 2023 bilang bahagi ng proseso ng devolution. Pinag-usapan din ang mga kalakal na mananatili sa Kagawaran ng Kalusagan (DOH).

Naroon sa pagpupulong ang iba’t ibang kinatawan ng mga katutubong pamayanan ng Lungsod ng Isabela, tulad nina IPMR Mary May Julhari, Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul, Katuwang Tagapagpaganap para sa Ugnayang Pangkatutubong Mamamayan Norhaiya Macusang, NCIP Provincial Officer Engr. George Jocutan, Atty. Gibran Abubakar, tagapangulo ng BION Adzhar Tahsin, mga kinatawan ng Isabela City Tribal Council of Leaders mula sa Barangay San Rafael at Tampalan, at mga kinatawan ng mga katutubong mamamayan mula sa Barangay Small Kapatagan, Masola, Kaumpurnah Zone II, Maligue, Aguada, Cabunbata, Kapatagan Grande, Balatanay, Tampalan, at Kaumpurnah Zone I. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni A. Sali, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll