34th White CANE Safety Day
August 4, 2023Mayor Dadah at Ayala Foundation, nakipagpulong para sa kabataan ng Isabela
August 7, 2023
Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo (CGSO) sa pamumuno ni CGSO Eugene Strong, ay pinangunahan ang pagtanggap ng unang 3 sa 10 yunit ng mga trak ng basura, Agosto 4.
Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa tulong-pinansyal mula sa Tanggapan ng Kongresista ng Tanging Distrito ng Basilan at Katuwang na Pinuno ng Minorya Mujiv Hataman. Kasama rin sa paghahabilin ng nasabing mga trak ang mga punong baranggay na bumubuo sa buong Lungsod ng Isabela. Layunin nitong mapabuti ang pamamahala ng basura at serbisyong pampubliko sa Lungsod Isabela, mapabuti ang pamayanan, at palaganapin ang mas malinis at mas maayos na kapaligiran. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Related