Mayor Dadah at Ayala Foundation, nakipagpulong para sa kabataan ng Isabela
Mga bagong Trak ng CGSO, pinasinayaan
August 7, 2023
CHO, NCIP, Nagdayalogo para Pag-ibayuhin ang Serbisyong Pangkalusugan sa mga IPs
August 8, 2023
Nakipagpulong ang Ayala Foundation Inc. kay Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 4, para ipakilala ang HAPAG Project, na inaasahang makatutulong sa 261 benepisyaryo mula sa Lungsod ng Isabela.
Ang HAPAG Project ng Ayala Foundation Inc.
ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang tulong pangkabuhayan o pagkain sa mga pamilyang nakakumpleto ng livelihood training mula sa Pamahalaang Lokal o iba pang ahensya ng gobyerno. Natapos ng nasabing proyekto ang kanilang pilot run sa Lungsod Quezon noong nakaraang taon, kung saan ang mga magulang na nakapagtapos ng mga pagsasanay sa baking, pagluluto, at paggawa ng bashan ay nakatanggap ng food packs at starter kits para sa kanilang bagong hanapbuhay.
Katuwang ng inisyatibong ito ang Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO), na siyang magbibigay ng tala ng 261 benepisyaryo mula sa HAPISABIDA, out-of-school youth, at may kapansanan.
Naroon sa nasabing pagpupulong ang mga opisyales mula Ayala Foundation Inc. na sina
Cel Amores, senior director for corporate communications, at Paul de Guzman senior manager for corporate communications. Sinamahan sila nina BYLP LeadCom Alumni Choocky Dompol, Nurhati Tagging at Adzhar Baluan, si Aarison Sanchez mula LYDO, Reycel Villas mula PESO at Nonie Ahadas ng EDC Opportunity 2.0. (Sulat ni L. Jarejolne, LYDO/Kuha ni M. Santos, CIO)