Sa patuloy na paghahanda para sa itinatayong museo ng Isabela de Basilan, nasa lungsod ngayon ang curator na si Marian Pastor Roces at Dr. Felice Noelle Rodriguez, kilalang historian, author at dating History Department Chair ng Ateneo de Manila University. Si Dr. Rodriguez ay tutulong sa pagsasaliksik ng kasaysayan ng Isabela na siyang magiging basehan ng laman ng nasabing museo. Ang kilalang curatorial company TAO Inc. ni Pastor-Roces at ang tanyag na Royal Pineda + Architecture Design ang siyang magde-desenyo ng museo.
Dumalo sa pulong sina Bokal Ahmed Ibn Djaliv Hataman, Tagapangulo ng Turismo Lokal si Claudio Ramos II, Architect Valerie Lustria, CPDC Engr. Gay Palagtiosa, Tagapaglingkod na Ehekutibo sa mga Usapin ng mga Katutubo na si Norhaiya Macusang, at Tauhang Pangkultura at Pansining ng CTO Arriana Juppakal. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)