Mayor Dadah Nagbigay-saya sa Kauna-unahang PWD Summit
GAD Unit Meets Women CSOs
July 26, 2023
Person with Disability Summit 2023
July 28, 2023

Kuha sa mga larawan ang sayang hatid ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman na namahagi ng mga sako ng bigas at food kits sa mga PWDs na kalahok sa kauna-unahang PWD Summit na ginanap, Hulyo 26, sa Barangay Menzi Multipurpose Covered Court.

Naroon din para magbigay ng libreng mga serbisyo medikal ang Tanggapan ng Kalusugan Panlungsod (CHO) sa pamamagitan ng CHO Telehealth and Mobile Health Unit sa gabay ni Dr. Sulaiman Tahsin. Nakiisa rin ang HAPIsabela Mobile Library ng Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod na sinorpresa pa ang mga batang PWDs na kasali sa nasabing summit sa isang pagtatanghal ng mascot na si Isa. Samantala, naghandog naman ng libreng gupit at pagkain ang mga opisyal ng 54th Special Action Company, PNP-SAF.

Handog ng Panlungsod na Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO) sa pangangasiwa ni CSWDO Nor-Aina Asmara at SAO Robert Arseña, at ng Panlungsod na Tanggapan para sa Ugnayan sa mga May Kapansanan (CPDAO) sa pangunguna ni CPDAO Gemma Casas-Paculio, ang nasabing pagpupulong ay bahagi ng pagsaulog ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang– “Persons with Disabilities Accessibility and Rights: Towards a Sustainable Future where No One is Left Behind.” (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos/KJ Evardo, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll