DOLE IX, LGU-Isabela City namahagi ng P5.9M Livelihood Assistance
Person with Disability Summit 2023
July 28, 2023
CSWDO, May sasakyan pangserbisyo sa mga PWD’s at Senior Citizens ng Lungsod
July 28, 2023
Nagkaroon ng Ceremonial Turn-Over ng P5.9 Milyon na Tulong Pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE’s Livelihood Assistance para sa Isabela City Accredited Co-Partners, ika-27 ng Hulyo, sa Sakayan Hall, City Hall Complex, Isabela de Basilan.
Ang turn-over ceremony ay dinaluhan ng mga Nego-Karts beneficiaries mula sa Port Area at Tabiawan, DOLE ICFO Head, Ms. Marlyn Anoos, Ms. Mariam Suacito, NFI’s Executive Director, at Engr. Sajid T. Baholoy, UWARBMPC General Manager.
20 Nego Karts ang ipinamahagi sa mga ambulant vendors ng James Strong Boulevard sa Barangay Port Area, at Fuego-Fuego, sa Barangay Tabiawan.
Sa pamamagitan naman ng Nagdilaab Foundation Inc. ay makakatanggap ng tulong-pangkabuhayan na may halagang P248,936.00 ang 19 beneficiaries ng Maligue Bamboo-based Craft.
Samantala, P5,078,968.00 tulong-pangkabuhayan naman ang naibahagi sa UWARBMPC bilang Accredited Co-Partner ng tanggapan ng DOLE para sa Poultry Egg Farming Project at pamimigay ng Livelihood Kits sa 197 beneficiaries mula sa iba’t-ibang sektor.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni PESO Manager Aradelria Belleng ang mga partners nito na kinabibilangan ng DOLE Region IX sa pamumuno ni Regional Director Albert E. Gutib, Accredited Co-Partners (ACPs) mula sa Nagdilaab Foundation Inc. at UWARBMPC para sa aktibo at patuloy na suporta nito sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Isabela at sa serbisyong ibinibigay nito sa publiko.
Ayon kay Ms. Belleng, pangunahing layunin ng administrasyon ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin- Hataman ang siguraduhin na ang mga livelihood assistance o tulong-pangkabuhayan at iba pang mga program na ibinibigay ng lokal na pamahalaan at mga partners nito ay magkakaroon ng positibo at pangmatagalang epekto sa pamumuhay ng mga Isabelenos. Hinikayat niya ang mga nakatanggap ng tulong na gamitin ang natanggap na salapi kung saan ito nakalaan. Ayon pa sa kanya, ang tanggapan ng PESO ay handang magbigay ng technical at iba pang suporta para matulungan silang magtagumpay sa kani-kanilang mga negosyo.