DOLE IX, LGU-Isabela City namahagi ng P5.9M Livelihood Assistance
July 28, 2023Mayor Dadah Delivers her 4th State of the City Report
July 28, 2023
Ilang minuto bago ang kaniyang Ulat sa Bayan 2023, ay personal na sinaksihan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Hulyo 27, ang pasinaya ng dalawang bagong sasakyang pangserbisyo ng Panlungsod na Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO).
Nakalaan ang isa sa mga sasakyan para sa pag-abot ng mga serbisyo sa mga senior citizens ng lungsod samantalang ang isa naman ay para sa mga PWDs. Tugon ang nasabing proyekto upang matiyak na maabot ang kalinga ng Pamahalaang Lungsod sa mga senior citizens at PWDs sa lahat ng sulok ng Lungsod ng Isabela alinsunod sa atas ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman na maipadama ang pangangalaga sa mga sektor ng lipunan na nangangailangan ng tulong at suporta.
Naroon din upang tunghayan ang pasinaya sina CSWDO Nor-Aina Asmara at SAO Robert Arseña kasama sina Ruben Misuarez ng Office of the Senior Citizens Affairs, Dr. Sitti Hairan Ibrahim na pangulo ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) – Isabela City, at mga tauhan ng CSWDO. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO)
Related