CPDAO, Abala ngayong NDPR week 2023
Kadiwa ng Pangulo, Inilunsad sa Lungsod ng Isabela
July 20, 2023
ALS Moving-Up Ceremony
July 21, 2023

Bilang pagsaulog ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week ngayong taon, naging abala ngayong Hulyo 20 sa iba’t ibang mga gawain ang Tanggapang Panlungsod para sa Ugnayang Pangmaykapansanan (CPDAO) na pinangunahan ni CPDAO Gemma Casas-Paculio.

Sa umaga ay bumisita sina Hannah Mae Circulado at Abe Munzir Sahidjan mula sa Isabela East Central Elementary School Learning Resource Center kasama ang kanilang mga guro ang PWD Lounge kung saan sila ay binigyan ng pagkakataon maranasan ang mga gawain sa nasabing pasilidad. Doon ay nagdilig sila ng halaman at tinuruan paano kapayanamin ang kapwa PWD. Sinamahan din sila pabalik ng IECES para gabayan kung paano mag-aplay ng PWD ID at upang malaman kung ano-ano ang pribilehiyo, benepisyo at karapatan ng isang PWD, kasama na ang pagrehistro sa PRPWD ng DOH.

Pagsapit ng hapon ay naging abala naman ang naturang tanggapan sa isang orientation sa 15 na PWD beneficiaries na may NC-II sa Bread and Pastry Production at sumailalim din ng maikling seminar ukol sa entrepreneurship at financial literacy ang DOLE. (Detalye mula CPDAO/Kuha ni KJ Evardo, CIO)

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeforAll