Isabela City Sports Grandstand, Ininspeksyon nina Cong. Mujiv at Mayor Dadah
July 20, 2023Kadiwa ng Pangulo, Inilunsad sa Lungsod ng Isabela
July 20, 2023
Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapang Panlungsod sa Populasyon at Pagpapaunlad (CPMDO) katuwang ang 54th Special Action Company, PNP-Special Action Force at mga organisasyong pansibiko at pangkabataan ay naghatid ng mahalagang impormasyon at serbisyo, Hulyo 17, sa mga senior citizens at IPs ng Barangay Lukbuton.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-49 na Buwan ng Nutrisyon at Ika-28 Buwan ng Ugnayang Pamayanan at Kapulisan, nagtulong-tulong ang dalawang ahensya upang maghatid sa nasabing pamayanan ang impormasyon ukol sa wastong nutrisyon at seguridad pampamayanan. Naghandog din ng mga food packs at nagbigay ng libreng gupit sa mga nagsipagdalo.
Kasama rin ng grupo ang ilang kinatawan ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod (CHO), Nagdilaab Foundation Inc., Student Action Force-Isabela City Chapter, at Supreme Student Council Society of the Philippines.
Naroon upang pangasiwaan ang palatuntunan sina CPMDO Jesielyn Puno at ang Tagapag-unay ng Programang Pangnutrisyon ng Lungsod na si RND Nujaima Abdurahman, at mga opisyal ng 54th Special Action Company, PNP-Special Action Force. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo, CIO).
Related