Kadiwa ng Pangulo, Inilunsad sa Lungsod ng Isabela
LGU-Isabela City, Youth/CS ORGS at 54th SAC PNP-SAF, Naghatid ng Serbisyo sa mga Seniors at IPs ng Lukbuton
July 20, 2023
CPDAO, Abala ngayong NDPR week 2023
July 21, 2023
Nakiisa ang Lungsod ng Isabela sa pambansang paglunsad ng #KadiwaNgPangulo, Hulyo 17, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ang “Kadiwa” ay nangangahulugan ng “Katuwang sa Diwa at Gawa.” Ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) ang nag-uudyok sa mga magsasaka na magtanim pa para magkaroon ng food security sa rehiyon. Makakatulong ito sa kanila na isulong ang kanilang mga produkto at kasabay nito, direktang magbenta sa mga mamimili nang hindi dumadaan sa mga mangangalakal o middlemen.
Mabibili sa KNP sa Isabela City Hall ang mga produktong gulay, prutas at bigas na nagkakahalaga ng P25/kilo. Ang mga sentro ng Kadiwa ng Pangulo ay pangangasiwaan ng mga kinauukulang ahensya tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.
Ang proyektong ito ay pinasimunuan ng Kagawaran ng Pagsasaka, katuwang din dito ang DTI, DSWD, DOLE, NFA at iba pang kalahok na ahensya ng pamahalaan, kasama na ang Tanggapan ng Pagsasakang Panlungsod ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangununa ni City Agriculturist Ma. Gina Alberto. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo, CIO)