Cong Mujiv at Mayor Dadah binisita ang ginawanga Pasangan Commercial Complex
July 17, 2023LGU-Isabela City, Youth/CS ORGS at 54th SAC PNP-SAF, Naghatid ng Serbisyo sa mga Seniors at IPs ng Lukbuton
July 20, 2023
Pinuntahan nina Kinatawan Mujiv Hataman at Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Hulyo 17, ang ginagawang pagkukumpuni sa Isabela City Sports Grandstand sa Barangay Eastside.
Nagkakahalaga ng P148,000,000, ang nasabing pasilidad ay pinondohan sa pamamagitan ng pagsusog ng Tanggapan ni Kinatawan Hataman at ipinatupad ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH).
Inaasahang magsisilbing lugar ng mga timpalak-palakasan at mga palatuntunang kuktural at pangmadla, at mga gawaing pang-ehersisyo ang nasabing proyekto sa oras na ito ay matapos. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni M. Santos, CIO)
Related