Nagkarera sa may Bambang ng Malamawi ang mga sakayang kalahok sa “Fiesta Regatta 2023: Sakayan Boat Race”, Hulyo 07 bilang bahagi pa rin ng Fiesta Alegria 2023 at ng Ika-173 Kapistahang Patronal ng Parokya Katedral ng Sta. Isabel de Portugal. Layunin din ng nasabing palatuntunan na bigyang-pugay ang sakayan bilang simbolo ng pagkakakilanlan ng Lungsod ng Isabela.
Handog ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa pasimuno ng Tanggapan ng Turismong Panlungsod, ang nasabing paligsahan ay may tatlong kategorya: lumbah-lumbah, papet/tiririt, at bangka. Ang pinakamabilis sa bawat dibisyon at mag-uuwi ng P6,000 samantalang P4,000 ang mapupunta sa pangalawa at P2,000 sa pangtlo. Bawat kalahok naman ay makatatanggap ng P1,000 bilang consolation prize. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo)
Pista Na, Tayo ay Magsaya!