Tibay ng lakas, Ipinamalas sa Fiesta Alegria Marathon 2023
‘Wow Carabao’, Gipahigayon
July 6, 2023
Mayor Dadah is Speaker on Learning Forum on Nutrition Governance
July 6, 2023
Bilang bahagi ng Fiesta Alegria na Ciudad de Isabela 2023 at ng Ika-173 Kapistahang Patronal ng Parokya Katedral ng Sta. Isabel de Portugal, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismong Panlungsod katuwang ang Santa Isabel Cathedral Parish Pastoral Council at ang Knights of Columbus ay nagsagawa ng Fiesta Alegria Marathon, Hulyo 5.
Itinampok sa nasabing kaganapan ang dalawang kapanapanabik na dibisyon. Sa Men’s Division, nagsimula ang 15-km run mula sa Barangay Sta. Clara, Lungsod ng Lamitan, at nagtapos sa Plaza Isabela. Nasungkit ni Julmaddin Saipuddin ang Unang Pwesto at nakatanggap ng premyong P10,000, sinundan ni Arvy Jay Mariano sa na may premyong P7,000, at si Benjamin Ituralde ang pumangatlo na may premyong P5,000.
Sa Women’s Division, nagsimula ang 10-km run mula sa Barangay Balagtasan, Lungsod ng Lamitan, at nagtapos din sa Plaza Isabela. Nakopo ni Jenny Flores ang kampeyonato at nakatanggap ng premyong P7,000. Nakamit naman ni Leamae Siano ang Pangalawang Pwesto na may premyong P5,000, at si Kim Araneta ay nakakuha ng Pangatlong Pwesto na may premyong P3,000. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha nina M. Santos at KJ Evardo, CIO)
Pista Na, Tayo ay Magsaya!