Ginanap ngayong Hunyo 15 ang ika-15 sesyon ng Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library sa Busay Elementary School kasabay ng Pangatlong Pagtatasa ng mga mag-aaral na kasama sa nasabing proyekto.
Katuwang ng Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod (CIO) at Lokal na Tanggapan para sa Kalinangang Pangkabataan (LYDO) ang Tau Gamma Phi Triskelion de Basilan sa pangunguna ni Governor-General Alexes Ututalum Infante. Naghandog ang nasabing organisasyon ng pagkain para sa mga bata.
Ginabayan naman ang mga bata ng mga volunteer reading partners mula sa Youth Space Mentoring Program ng LYDO at ilang miyembro ng Isabela City Barangay Information Officers Network. Sa buong araw na aktibidad ay naroon si Punongguro Maricel Dagoy at ang kaniyang kaguruan upang matiyak ang matiwasay na daloy ng nasabing programa.
Ang Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library ay isang proyekto ng Library and Information for Barangay Readers Outreach ng CIO na tugon naman sa panawagan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman na ibaba ang bahagdan ng mga non- at struggling readers sa mga kabataang Isabeleñong nasa antas na K-3. Busay Elementary School naman ang pilot site ng naturang programa. (Sulat at Kuha ni A. Sali, CIO)
#HAPIsabela
#AHappyAndDignifiedLifeforAll