DXNO Radio Community Radio Broadcasting Seminar-Workshop
June 13, 2023Isabela City Tourism takes Center Stage in PHILTOA CONFAB
June 15, 2023
Sa ngalan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela ay nakiisa ang Tanggapan ng Panlungsod na Serbisyong Panghanapbuhay (PESO) at Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod (CIO) sa outreach activity, Hunyo 14, ng Cebuana Lhuillier Area 512 sa Barangay Sta. Cruz.
Sa pangunguna ni Area Head Cresenciano Aguilar at kaniyang mga kasamahan, ay naghatid sila ng saya sa mga batang kalahok sa pamamagitan ng mga palaro at paghahandog ng gamit pang-eskwela. Nagkaroon din ng pagbabasa ng mga kwento mula sa mga aklat ng HAPIsabela Mobile Library. Ang nasabing palatuntunan ay bahagi ng quarterly corporate social responsibility na inisyatiba ng Cebuana Lhuillier.
Kasali rin sa naganap na aktibidad ang Pamahalaang Barangay ng Sta. Cruz sa pamumuno ni Punong-Barangay Joy Palsario at Sangguniang Kabataan sa pasimuno ni Punong-SK Czeedric Joric Dela Cruz.
Samantala, ang partipasyon ng HAPIsabela Mobile Library ay naging posible sa suporta ni CIO Mendry-Ann Lim at sa pangangasiwa ni Learning and Information for Barangay Readers Outreach Focal Darcy Madjalis. Ito ang kauna-unahang pagbisita ng mobile library sa Barangay Sta. Cruz. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni A. Sali, CIO)
Related