Congresista Olaso ya Dona Cien Saco de Arroz na Ciudad de Isabela
June 9, 2023Turn-over of Barangay Kumalarang Multipurpose Covered Court
June 9, 2023
Ginanap ngayong Hunyo 08 ang ika-13 sesyon ng Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library sa Busay Elementary School.
Katuwang ng Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod (CIO) at Lokal na Tanggapan para sa Kalinangang Pangkabataan (LYDO) si Kgg. Amin Hataman, Bokal ng Unang Distrito ng Basilan. Naghandog ang kaniyang tanggapan ng pagkain para sa mga batang kasali sa programa.
Ginabayan naman ang mga bata ng mga volunteer reading partners mula sa Youth Space Mentoring Program ng LYDO at ilang miyembro ng Isabela City Barangay Information Officers Network. Sa buong araw na aktibidad ay naroon si Punongguro Maricel Dagoy at ang kaniyang kaguruan upang matiyak ang matiwasay na daloy ng nasabing programa.
Ang Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library ay isang proyekto ng Library and Information for Barangay Readers Outreach ng CIO na tugon naman sa panawagan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman na ibaba ang bahagdan ng mga non- at struggling readers sa mga kabataang Isabeleñong nasa antas na K-3. Busay Elementary School naman ang pilot site ng naturang programa. (Sulat ni A. Sali/Kuha ni KJ Evardo, CIO)
Related