PCG-Isabela Station, Katuwang ng CIO-LYDO sa Unang Sesyon ng SAKAYAN-KAALAMAN Reading Program ngayong Hunyo
DILG Regional SGLG Assessment Team Courtesy Call
June 2, 2023
DILG-SGLG Inspection
June 2, 2023
Ginanap ngayong Hunyo 01 ang ika-11 sesyon ng Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library sa Busay Elementary School.
Katuwang ng Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod (CIO) at Lokal na Tanggapan para sa Kalinangang Pangkabataan (LYDO) ang mga opisyal ng Tanod Baybayin ng Pilipinas – Himpilan ng Isabela (PCG – Isabela Station). Naghandog sila ng pagkain para sa mga batang kasali sa programa, nagbahagi ng kaalaman tungkol sa wastong paghuhugas ng kamay at naging pansamatalang reading partner ng mga bata.
Ang pangkat mula sa PCG-Isabela Station ay pinangunahan nina CG ENS Arturo Alamani Jr. at CG CPO Nur-ina Basirul. Sinamahan sila nina CG PO2 Marie Ann Pioquinto, CG P02 Gretchen Dumagat, CG PO3 Reynold Lelis, CG SN1 Arman Ascala, CG PO3 Virgil Jay Alvarez, CG ASN Francis Joseph Baricua, CG SN1 Mark Peter Guerrero, CG SN1 Abdu-samad Nuril, at CG SN1 Patreech Louise Solosa.
Ginabayan naman ang mga bata ng mga volunteer reading partners mula sa Youth Space Mentoring Program ng LYDO at ilang miyembro ng Isabela City Barangay Information Officers Network.
Sa buong araw na aktibidad ay naroon si Punongguro Maricel Dagoy at ang kaniyang kaguruan upang matiyak ang matiwasay na daloy ng nasabing programa.
Ang Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library ay isang proyekto ng Library and Information for Barangay Readers Outreach ng CIO na tugon naman sa panawagan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman na ibaba ang bahagdan ng mga non- at struggling readers sa mga kabataang Isabeleñong nasa antas na K-3. Busay Elementary School naman ang pilot site ng naturang programa. (Sulat at Kuha ni A. Sali, CIO)