Pagpili ng mga Barangay IPMR
Kauna-unahang Isabela de Basilan Agri Summit, Matagumpay na Idinaos
May 31, 2023
Mayor Dadah, VM Kifli lead Executive Agenda Meeting
June 1, 2023
Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman kasama ang Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (NCIP) Basilan sa pangunguna ni Legal Officer Atty. Gibran Abubakar, at si City IPMR Councilor Marymay Julhari ay nagsimula na sa pag-iikot sa lungsod upang pangunahan ang pagpili ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng iba’t bang barangay sa lungsod.
Ang pagpili ng Barangay IPMR ay ayon sa RA 8371 upang masigurado ang pagkakatawan, kapakanan at karapatan ng bawat IP sa lungsod ay maisulong at mapangalagaan.
Bahagi ng komite sa pagpili ang iba’t ibang mga opisyal ng barangay at Council of Leaders/Elders nito, kinatawan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas, Norhaiya Macusang bilang kinatawan ng Office of the City Mayor at iba pang mga residente ng barangay.
Narito ang mga napiling Barangay IPMRs noong ika-30 ng Mayo:
IPMR Delia Nulon-Anding
Barangay Cabunbata (new)
IPMR Monisa Jahilin-Castillo
Barangay Marang-Marang (new)
IPMR Sahak Addala
Barangay Masola (re-selected)
IPMR Abdasul Tipuan
Barangay Kapatagan Grande (re-selected)
Larawan at ulat mula kay BION Adzhar Tahsin