Kauna-unahang Isabela de Basilan Agri Summit, Matagumpay na Idinaos
Public Hearing on Proposed Changes in the Isabela City GAD Code, held
May 30, 2023
Pagpili ng mga Barangay IPMR
May 31, 2023
Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilalim ng pamumuno ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagtatapos ng kauna-unahang Isabela de Basilan Agriculture Summit na may temang “Agrikultura: Pagkain at Ekonomiya,” Mayo 30 sa Kasinnahan Hotel and Resort.
Sa dalawang araw na itinakbo ng summit, binigyang-diin ang kahalagahan ng agrikultura sa pagtataguyod ng seguridad sa pagkain at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
Sa pagtatapos ng Isabela de Basilan Agriculture Summit, pinangasiwaan ni CPDC Engr. Gay Palagtiosa ang paglalahad ng gabay ng agrikultura tungo sa kaunlaran. Ang mga natukoy na isyu ay inilahad at ito ay magsisilbing isang estratehikong plano na magbalangkas ng mga pangunahing hakbang at mga hakbangin na kinakailangan upang isulong at pahusayin ang pag-unlad ng agrikultura sa Lungsod ng Isabela gayundin ang pagbibigay ng malinaw na direksyon para sa sektor ng agrikultura ng lungsod.
Samantala, ang presentasyon at pagpapatibay ng nasabing dokumento ay pinangunahan ni Tagapangasiwa ng Lungsod Atty. Adzlan Imran. Sa tungkuling ito, pinangasiwaan ni Atty. Imran ang pagpapakita ng gabay o roadmap sa mga dumalo sa summit at ang proseso ng opisyal na pagpapatupad nito.
Pinangunahan ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman ang paggawad ng mga sertipiko at mga token sa mga mga kalahok upang ipahayag ang pasasalamat sa kanilang mahalagang kontribusyon sa tagumpay na pagdaos ng summit. Samantala, si Eugene Strong, Nagsisilbig Dalubsaka ng Lungsod, ang nagbigay ng pangwakas na pananalita.
Ang mga nabanggit na hakbangin ay nagpapakita ng pagtuon ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman, na pag-ibayuhin ang pagpapaunlad ng agrikultura at suportahan ang lokal na komunidad ng pagsasaka. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha nina R. Edris at M. Santos, CIO)