LDRMM Council, Task Force El Niño, Nagpulong
Baluno, Menzi represent Isabela City in Regional BIDA Caravan
May 26, 2023
Mayor Dadah binisita ang Busay Elementary School; Pangalawang Pagtatasa ng SAKAYAN-Kaalaman Reading Program, Isinagawa
May 29, 2023
Bilang paghahanda sa nagbabadyang epekto ng El Niño sa suplay ng tubig ng lungsod, pinangunahan nina Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at Bise-Alkalde Jhul Kifli Salliman, May 25, ang sabay na pagpupulong ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council at Task Force El Niño
Ang Task Force El Niño ay binuo upang magbalangkas ng mga tugon ng Pamahalaang Lungsod sa inaasahang epekto ng mainit na klima sa darating na mga buwan. Sa nasabing pagpupulong, tinalakay din ang re-alignment ng Special Trust Fund para sa pagbili ng mga water tanker na may fire truck capability. Samantala, nagbigay naman ang Isabela Water District (ISAWAD) ng ulat tungkol sa suplay ng tubig sa lungsod, kung saan nakitaan na ito ng pagbaba.
Kabilang sa dumalo sa nasabing pagtitipon sina Konsehal Khaleedsher Asarul, CDRRMO Uso Dan Salasim, CHO Dr. Mohrein Ismael VI, BAGO Consultant Pedrito Eisma, at mga kinatawan ng iba pang tanggapan ng Pamahaalang Lungsod. Naroon din sina DILG Isabela City FOO LGOO Arnel Alvarez, PIA Basilan Infocenter Manager Nilda Delos Reyes, mga opisyales ng Isabela City Fire Station, Coast Guard Station-Isabela, DepEd-Isabela City, ISAWAD, BASELCO at iba pang mga stakeholders.
Nagpasalamat naman si Punong-Lungsod Turabin-Hataman sa lahat ng dumalo at inatasan ang lahat na tumulong sa paghihikayat sa lahat ng Isabeleño na maging matipid sa paggamit ng tubig at makiisa sa Pamahalaang Lungsod sa paghahanda kontra El Niño. (Detalye mula kina A. Madjalis at P. Turabin/Kuha ni KJ Evardo, CIO)