Mayor Dadah nanguna sa pagtatapos ng 120-day Supplemental Feeding Program ng Lungsod
CHO joins 2023 International AIDS Candlelight Memorial
May 22, 2023
Islamic Washing of Janazah Training
May 22, 2023

Bilang bahagi ng Nutrition Governance Program ng Lungsod ng Isabela, pinangunahan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pangwakas na palatuntunan ng programang 120 Araw na Pandagdag na Pagpapakain (120-Day Supplemental Feeding Program) ng Programang Pangnutrisyon ng Lungsod (CNA) para sa mga batang may 0-59 buwang gulang sa Barangay Marang-Marang, ika-20 ng Mayo.

Kasama sa nasabing programa sina Tagapamahala ng Ugnayang Pangnutrisyon sa Lungsod Jesielyn Puno, Tagapag-unay ng mga Panlungsod na Programang Pangnutrisyon Nujaima S. Abdurahman, Marang-Marang Punong Barangay Nusul Usman, Iskolar Pangnutrisyon ng Barangay Mayra Abbas at mga kalahok na nanay at ang kanilang mga anak.

Ang nasabing proyekto ay alinsunod sa tagubilin ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman na pagtuunan ng pansin ang kalagayang pangnutrisyon ng mga batang Isabeleño lalo na sa mga pamayanang nakapagtala ng mga kaso ng pagkabansot at malnutrisyon. Noong nakaraang taon ay kinilala ng Pambansang Kapulungan ng Nutrisyon ang Lungsod ng Isabela na siyang pamahalaang lokal na naglaan ng pinakamalaking pondo para sa mga programa ukol sa nutrisyon sa buong Zamboanga Peninsula —patunay ng pagpapahalaga ng kasalukuyang administrasyon sa pagkalinga sa mga nasa laylayan ng lipunan. (Sulat ni M. Guerrero at M. Lim/Kuha ni KJ Evardo, CIO)

#HAPIsabela