Pagpapatayo ng Isabela-Malamawi Bridge, Pag-aaralan ng DPWH
City Development Council Meeting
May 18, 2023
Hapisabela Mobile Library marks First Anniversary at Small Kapatagan
May 22, 2023
Nakipagpulong si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa mga kinatawan ng Kagawaran ng Pagawain at Lansangan Bayan (DPWH), Mayo 17, para sa inaasahang mga pag-aaral para sa pagpapatayo ng tulay na magdudugtong sa Isabela at Malamawi.
Sa pangunguna ni DPWH-RCM II UPMO Lilibeth Rico, tinalakay ang feasibility studies at detailed engineering design (DED) ng mga karagdagang kalsada at tulay sa ilalim ng Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP) na pinondohan sa ilalim ng ADB Loan No. 3631-PHI pati na rin ang koordinasyon sa RASA para sa pagsasagawa ng bathymetric, topographic, hydrographic surveys at mga pagbisita sa lokasyon ng nasabing proyekto mula Mayo 17-Hulyo 24 para sa paghahanda ng DED gayundin para pangangalap ng datos na may kaugnayan sa Social Development at Gender, Resettlement at Environmental Assessment.
Dumalo sa nasabing pulong sina RPMO Engr. Paterno Cadungog, Jr., UPMO Engr. Al-Rafie Anduhol, RMC II UPMO Engr. Al-Qaiierr Bryle Arokalim at Engr. Al-Thani Ismael, DPWH-Basilan ICEDEO AOE Melchor Aquillano, RASA-Manila Team Leader Jay Borja, RASA-Manila IM Tomas Enoya at Jerry Borja, Primex Social and Gender Specialist Evelyn Buenaventura, Primex ERA Hazel Balajay, Primex Social and Gender Maria Lyra Estaris, Primex Resettlement Paulo Tiangco. Naroon din sina Basilan District 1 Board Member Amin Hataman, Enhinyero ng Lungsod Engr. Reynaldo Dagohoy at OCM Consultant on IP Affairs Yhang Macusang.
Ayon naman kay Punong-Lungsod Turabin-Hataman, ang nasabing pagpupulong ay isang malaking hakbang upang makapagpalunsad ng mga proyektong imprastraktura na magsisilbing daan upang lalong pasiglahin ang lokal na ekonomiya sa Lungsod ng Isabela at makapagbigay na karagdagang kabuhayan sa mga mamamayanan at mga pamayanan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)