SAKAYAN – Kaalaman Reading Program ng CIO-LYDO
Courtesy Call of CIDG-Isabela City
May 16, 2023
LCAT VAWC & LCPC Functionality Assessment
May 18, 2023
Ginanap ngayong Mayo 12 ang ikawalo na linggo ng Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library sa Busay Elementary School.
Katuwang ng Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod (CIO) at Lokal na Tanggapan para sa Kalinangang Pangkabataan (LYDO) sina Kgg. Konsehal Jeromy Casas, Kgg. Konsehal Yusop Abubakar at ang tagapangulo ng Tanggapang Panlungsod para sa mga Maykapansanan (CPDAO) na si Gemma Paculio.
Naghandog ang mga ito ng pagkain para sa mga batang kasali sa programa. Ginabayan naman ang mga bata ng mga volunteer reading partners mula sa Youth Space Mentoring Program ng LYDO.
Ang Sakayan-Kaalaman Fridays with the HAPIsabela Mobile Library ay isang proyekto ng Library and Information for Barangay Readers Outreach ng CIO na tugon naman sa panawagan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman na ibaba ang bahagdan ng mga non- at struggling readers sa mga kabataang Isabeleñong nasa antas na K-3. Busay Elementary School naman ang pilot site ng naturang programa. (Sulat ni A. Sali/Kuha ni KJ. Evardo, CIO)