Sa kanilang pagbisita kay Mayor Dadah, OVP naghain ng mga Programa para sa mga Taga-Isabela
PNP IX Regional Director visits Isabela City
May 12, 2023
Isabela City joins DILG Training for GAD Focals
May 15, 2023
Nakipagkita si Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Mayo 10, sa mga kinatawan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo (OVP).
Sa ngalan ng tagapangasiwa ng OVP Zamboanga Satellite Office na si Michael Angelo Saavedra, bumisita sina VPSO IV Rowella Binobo at VPSO III Christian Olasiman sa Lungsod ng Isabela upang ipagbigay-alam ang iba’t ibang mga serbisyong handog ng nasabing tanggapan. Ayon kay VPSO Olasiman, ang kanilang programang Medical Assistance to Indigent Patients ay kayang makapagbigay ng hanggang P20,000 na hospital billing assistance at P5,000 bilang tulong panlibing sa Kristyano man o Muslim. May nakalaan ding hanggang P10,000 halaga ng nirestang gamot na maaaring ilibre ng OVP.
Bahagi rin kanilang pagbisita ang pagpunta sa Basilan General Hospital, Infante Hospital at JS Alano Memorial Hospital ni nilaan ng pondong P500,000 bawat isa ng OVP na maaaring gamitin ng mga pasyenteng maralita na i-endorso ng Pamahalaang Lokal sa mga nasabing pagamutan.
Malugod namang nagpasalamat si Punong-Lungsod Turabin-Hataman para sa mga nasabing programa na tiyak ay makatutulong sa mga hikahos na Isabeleño na kung minsan ay kinakailangan pang lumuwas ng ibang lungsod para sa atensyong medikal. Dagdag pa ng alkalde, naisa sana niyang ipaabot kay Pangalang Pangulo Sara Duterte-Carpio na siya ring kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ang tungkol sa pagpapatuloy ng proyektong HAPIsabela Teledukasyon. Sinang-ayunan naman ito ng mga kinatawan ng OVP na ipinangakong idudulog ang nasabing mungkahi kay Pangalawang Pangulo Duterte-Carpio. Inanyayahan naman nina VPSO Binobo at VPSO Olasiman ang Lungsod ng Isabela na makibahagi sa One Million Trees Project ng OVP at ang inisyatibang PagbaBAGo na naglalayon magbigay ng backpacks sa mga mahihirap na mga mag-aaral sa Grade 1 at 4.
Sa buong panahon ng maikling pag-uusap na ito ay sinamahan sila nina Nor-Aina Asmara, tagapangulo ng Tanggapang Panlungsod ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan at ni SAO V Robert Arseña.
Ang pakikipag-unayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga organisasyong pangsibika upang mapalawak ang mga pagkukunan ng tulong at suporta para sa mga Isabeleño ay nakalakip sa “Synergy” na isa mga haligi ng Administrasyong Turabin-Hataman at tuntungan upang makamit ang buhay na maligaya at marangal para sa lahat. (Sulat ni M. Guerrero/Kuha ni KJ Evardo, CIO).