Pagtatanim ng Bakawan, Isinagawa ngayong Araw ng Paggawa
May 2, 2023Mayor Dadah Unveils HAPIKIDS Zone at West Terminal
May 4, 2023
Sa pagdiriwang ng Ika-22 Araw ng Lungsod ng Isabela at ng 2023 Sakayan Festival, idinaos ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismong Panlungsod sa pasimuno ni CTO Claudio Ramos II ang isang timpalak-pagluluto na tinaguriang Sakayan Master Chef Clustered Barangay Cooking Challenge, Mayo 2 sa Plaza Isabela.
Ayon kay CTO Ramos II, ang paligsahan ay isang paraan ng pagsulong ng kulinarya bilang isang karanasan, kamalayang pang-turismo, at repleksyon ng pagkakakilanlan ng Isabeleño. Samantala, pinasalamatan naman ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang lahat ng lumahok sa pagdiriwang at nagpahayag ng pananabik na tikman ang kanilang niluto, na karamihan ay binuo ng mga sangkap na makikita sa Lungsod ng Isabela.
Ang Master Chef Challenge ay nahahati sa dalawang kategorya: Sakayan Full Course Meal Preparation at ang Secret Recipe Challenge.
Ang unang kategorya ay nagbibigay-daan sa koponan na maghanda ng kumpletong handa mula sa pampagana o appetizer hanggang sa tatlong pangunahing handa, samantalang ang pangalawang hamon ay susuriin ang pamamahala ng oras at pagkamalikhain ng koponan habang naghahanda sila ng pagkain gamit ang mga biniling sangkap mula sa badyet ng mga tagapangasiwa ng patimpalak.
Ang nasabing paligsahan ay binubuo ng mga koponan mula sa bawat isa sa mga kalahok na barangay sa isang cluster. Nagsilbing bilang mga hurado sina PIA IX ARD Rene Carbayas, Atty. Danrie Duarte, DTI Development Specialist and Promotion Officer Sherin Francisco, City Health Officer Dr. Mohrein Ismael VI, at Executive Chef Ansary Cali. Nagpakita naman ng kanilang suporta ang ilang mga punong barangay na dumalo sa nasabing aktibidad. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha nina KJ Evardo at M. Santos, CIO)
Related